Earth's Beauty

TRAVEL BLOG NG PILIPINAS

kwento ni agatha de guzman

tagaytay

Welcome to my Blog! Kamusta kayong lahat?Ang post ko ngayon sa aking travel blog ay tungkol sa Tagaytay na nasa lungsod ng Cavite, isa sa mga paborito kong puntahan lalo na sa bakasyon dahil ito ay malapit lng at pwede kayong mag roadtrip. Isa sa nagustuhan ko sa Tagaytay ay ang magandang tanawin nya at ang malamig na simoy ng hangin sa lugar na yon.Isa sa irekomenda ko kung kayo ay pupunta sa lugar na ito ay ang “People’s Park in the Sky”. Ang “People’s Park in the Sky” ay isang historical na park sa lugar na ito na ginawa noong panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos para sa bisita ni dating Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kaso napatigila ang gawa nung cinancella niya ang pagpunta dito. Ang paborito ko sa parke na ito ay ang magandang tanawin nya na makikita ang lawa ng Taal. Maari ka din dito makasakay ng kabayo upang makipag picture taking dito at maari ka din bumili ng mga souvenirs.Kung gusto naman ninyo ng nakakarelax na kapihan sa Tagaytay isa din sa paborito ko ay ang Starbucks sa Tagaytay na may magandang tanawin at masarap na inumin.Ayan lng para sa araw ngayon, maikli man ngunit sana ay naenganyo kayong pumunta sa lugar na ito sa Cavite.

kwento ni axl

Davao

Ikaw ba’y stress na sa buhay at puno ng sama ng loob? o nagbabalak ka bang magbakasyon at mag-relax? Kung gayon, nahanap mo na ang para sa’yo!Inihahandog ang “Banana Capital of the Philippines”, Davao Del NorteAng Davao del Norte ay isang lalawigan na matatagpuan sa rehiyon ng Mindanao sa Pilipinas. Ang lalawigan ay tahanan ng magkakaibang kultura at maraming likas na atraksyon. Ang Lungsod ng Tagum ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Pilipinas at napapaligiran ng mga lalawigan ng Agusan del Sur sa hilaga, Bukidnon sa kanluran, Davao de Oro sa silangan, at Davao City sa timog. Kasama rin sa Davao ang Samal Island sa katimugang bahagi ng Davao Gulf.Mapapansin ang kagandahan ng mga isla sa Pilipinas, partikular ang isang ito sa Davao del Norte, ay hindi dapat palampasin ng ating mga kababayan at turista.Ang Isla Reta Beach Resort, sa tahimik na isla ng Talikud Island, Island Garden Lungsod ng Samal, Davao del Norte ay karapat-dapat na bigyang pansin dahil sa kaaya-aya nitong tanawin. Nagsisilbi itong lugar para magsaya anumang araw ng linggo.Ang destinasyong nabanggit ay nababalutan ng puting buhangin kung saan maaari kang magpahinga sa paligid, at ang maluwag na beachfront area nito ay sapat na upang matugunan ang mga aktibidad sa beach ng iyong grupo tulad ng beach volleyball at frisbee. Kung ikaw ay pagod na o hindi man mahilig sa mga pampawis, pumunta at lumangoy sa malinaw na asul na tubig ng Isla Reta. Ito ay mayroon ding matutuluyan kung gusto mong mag-overnight at tikman ang bawat sandali, matulog sa tunog ng alon at gumising sa kagandahan ng tahimik na dagat. Siyempre, hindi mawawala ang mga kainan kaya hindi mo kailangang ihinto ang anumang ginagawa para lamang ihanda ang pagkain.Higit pa sa malinis na puting baybayin at mga photogenic na dalampasigan, ang tubig sa ilalim ng strip ng paraiso na ito ay puno ng mayaman at magkakaibang marine world na may protektadong mga coral at fish sanctuaries, na talagang ginagawa itong kamangha-mangha sa ibaba gaya ng nasa itaas. Lahat ng ito ay posibleng maranasan, abot-kamay at pasok sa bulsa ng bawat isa.

kwento ni matthew

batangas

Hello! Hi! ikaw ba ay stress na stress ramdam na ramdam ang pagod at walang sapat na tulog o kaya init na init na? Ang kailangan mo ay pumunta sa resort at mag day off ka muna.Kaya tara na at aking ibabahagi ang napakagandang resort na aking napuntahan sa Shercon Resort at Ecology Park. Ang Shercon resort ay matatagpuan sa Mataas na Kahoy Batangas. Ang resort na ito ay dalawang beses na namin napuntahan kasi sulit at abot kaya ang entrance fee. Grabe din ang laki at ang lawak, masaya din at mas lalong masaya kung kasama ang pamilya o kaya mga kaibigan pwedeng-pwede ang bonding time dito dahil marami kang mapagpilian na pool kung infinity, regular, kiddie pool at meron ding mga rides tulad ng zip line at wall climbing at iba pa. Sa una kakabahan ka sa mga rides pero ang saya at may thrill. Dito din sa resort masasarap ang mga pagkain nila at maganda din magpicture-picture lalo na tanaw ang Bulkang Taal.Kaya ano pang hinihintay mo? ito na ang senyales na kailangan mo para mag resort. Hinding-hindi ka malulugi. Sulit at hindi ka maiinip dahil maraming aktibidad na pwedeng gawin dito sa Shercon Resort.

kwento ni cyrish

guimaras

Kumusta kayong lahat? Sana ay ayos lang kayo't masaya. Ngayong araw ay ibabahagi ko sa inyo ang isang napakagandang paraiso, ang probinsya ng Guimaras.Ang Guimaras ay kilala sa kanilang produktong mangga at mga magagandang dagat at pasyalan. Ang isa sa aking paboritong napuntahan sa guimaras ay ang Guisi Lighthouse beach, mula pa ng bata ako ay lagi namin itong binabalik-balikan ng aking pamilya. Ang Guisi ay maikukumpara ko sa Boracay, meron itong mapuputi at pinong buhangin, ang tubig din dito ay malinaw at malinis na kulay bughaw. Meron ding lumang lighthouse at bagong lighthouse na makikita doon. Marami pang ibang magagandang dagat Guimaras na pwede mong puntahan gaya ng Tando Beach, Rico Beach Resort at Landasan.Mahirap ang humanap at sobrang hina ng signal at internet sa Guimaras. Kaya’t kung ika’y pagod na sa mundo at social media na gusto nang magpahinga, nirerekomenda ko sa iyo ang Guimaras dahil ito’y malayo sa kabihasnan at paniguradong makukuha mo ang kapayapaang iyong hinahangad.

maraming SALAMAT!

Makipag-ugnayan sa amin sa aming mga social media.

mga miyembro ng grupo

  • Ching, Francis Oliver

  • Ching, Matthew

  • De Castro, Axl Agatha

  • De Guzman, Agatha Hanna

  • Dinampo, Mikaela Abigail

  • Donasco, Cyrish Ann

  • Homicillada, Jemica

  • Jornales, Joy